Tacloban City – Kinuwestiyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Martes, Nobyembre 8, 2022 ang opisyal na bilang ng mga nasawi dahil sa Super Typhoon Yolanda na inilabas ng gobyerno matapos ang bagyo.
Sa pahayag sa ika-9 na paggunita ng Super Typhoon Yolanda sa Holy Cross Memorial Gardens, sinabi ni Marcos na hindi kapani-paniwalang mahigit 6,000 katao lamang ang namatay nang tumama ang bagyo sa Eastern Visayas noong 2013.
“I have questioned it from day one, 6,000 plus ang sabi nila. It’s not 6,000 plus… It’s too late to determine the actual number”, ani Marcos.
Bilang senador noong 2013, paulit-ulit na nagpahayag ng pagdududa si Marcos sa opisyal na bilang ng mga nasawi sa kanyang pagbisita sa Tacloban.
“We must come to these commemorations so that we will remember those who were told not to remember. If you remember during the count of the casualties, the count was stopped. And we knew that there were still thousands out there,” dagdag pa niya.
Sa lungsod ng Tacloban, ang opisyal na bilang ay higit sa 2,200 ngunit sinabi ni Mayor Alfred Romualdez na pinsan ni PBBM, ito ay maaaring umabot sa 5,000.
“And we knew that there were still thousands out there. And for those thousands, those countless thousands, we come here, we commemorate. Because if we no longer commemorate, their memory dies. And it is only up to us to keep that memory alive”, ayon pa kay Marcos.
Ang Yolanda, ang pinakamalakas na bagyong nanalasa sa bansa na may 315 kilometers per hour winds na lubhang nakapinsala sa mga lalawigan ng Leyte at Samar.