Thursday, November 7, 2024

HomeNewsRed tide bloom, muling naulit sa San Pedro Bay sa Samar

Red tide bloom, muling naulit sa San Pedro Bay sa Samar

Samar – Muling naulit ang red tide bloom sa San Pedro Bay sa lalawigan ng Samar isang buwan lamang matapos itong ideklarang toxin-free na iniulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Biyernes, Nobyembre 4, 2022.

Sinabi ni BFAR Eastern Visayas Head Juan Albaladejo na nangyayari ang pag-ulit ng red tide sa bayan ng Basey dahil ito ay may mababaw na bahagi na nakakatulong sa interaksyon ng mainit at malamig na panahon.

“This triggers the red tide-causing dinoflagellates cyst to migrate to (the) water surface and expose to accompanying sediments laden with organic matter. It fertilizes the microorganism, causing red tide,” sabi ni Albaladejo.

Ang San Pedro Bay sa baybayin ng mga bayan ng Basey at Marabut sa Samar ay isang mayamang pinagkukunan ng shellfish sa katimugang bahagi ng Samar Island.

Ayon sa pinakahuling advisory, nananatili rin ang red tide toxins sa coastal waters ng Guiuan sa Eastern Samar, Cancabato Bay sa Tacloban City, at Irong Irong Bay sa Catbalogan City sa Samar.

“Nagbigay kami ng precautionary advice sa publiko na iwasan ang pangangalap, pagbebenta, at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at Acetes sp. locally known as ‘alamang or shrimp’ from the said bay,” ani Albaladejo.

Hiniling ng BFAR sa mga local government unit na paigyingin ang kanilang pagbabantay laban sa pangangalap, pangangalakal, at pagkonsumo ng shellfish upang maiwasan ang insidente ng paralytic shellfish poisoning (PSP).

Ang PSP ay makukuha sa pagkain ng bivalve shellfish, tulad ng mussels, oysters, at clams, na naglalaman ng red tide toxins. Kasama sa mga sintomas nito ang pangingilig ng mga labi at dila, na maaaring mauwi din sa pangingilig ng mga daliri at paa at pagkawala ng kontrol sa mga braso at binti, at hirap sa paghinga.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe