Monday, November 25, 2024

HomeSportsNegros Football Academy, inilunsad ng dating Negros FC at Azkal Striker

Negros Football Academy, inilunsad ng dating Negros FC at Azkal Striker

Bacolod City- Inilunsad ni dating Negros Football Cup at Azkal striker na si Bienvenido Marañon kasama ang kanyang kapatid na si David ang Negros Academia de Futbol o Negros Football Academy nitong ika-2 ng Nobyembre 2022 na ginanap sa Nature’s Village Resort saTalisay City, Negros Occidental.

Ayon sa Spanish-turned-naturalized Filipino athlete na ang naturang academy ay nakabase sa Bacolod City at naglalayong makapagsanay ng mga kabataang football enthusiasts mula edad 4 hanggang 16 para maging professional football players.

Dagdag pa niya na ang programa ay nakasentro sa pagsasanay ng mga atleta sa iba’t ibang aspeto ng laro mapapisikal, tactical at teknikal na mga aspeto.

Bumulusok ang career ni Marañon sa football ng dumating ito sa bansa at nanirahan sa Bacolod City. Naglaro siya sa Ceres-Negros Football Cup at kalaunan sa Philippine Azkals, na siyang naging hudyat upang mapabilang ito sa Philippine Football Team.

Saad din ng football player na ang nasabing academy ay bukas para sa lahat na kabilang at pasok sa age bracket na 4 hanggang 16.

Nagsimula ang registration ngayong araw, Nobyembre 4, 2022 sa Bacolod Central District grounds malapit sa Robinson’s Place Bacolod sa Barangay Mandalagan, Bacolod City. Magpapatuloy pa ito sa susunod na mga linggo kada Lunes hanggang Biyernes alas onse ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

Sinabi rin ni Marañon na nitong buwan ng Nobyembre ilalaan nila sa registration, tryout, at mga friendly game habang sa Enero 10, 2023 naman magsisimula ang pagsasanay.

“Our plan is to bring a team to Spain every year to expose them to playing in international fields,” dagdag pa niya, na sinabing maaari pang mabigyan ang mga kabataang atleta ng oportunidad na makalaro sa bansang Spain at sa iba pang mga bahagi sa Europe.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe