Sunday, November 24, 2024

HomeNational NewsPangalawang bangkay ng pinaniwalaang NPA, natagpuan sa Guihulngan City kasunod ng dalawang...

Pangalawang bangkay ng pinaniwalaang NPA, natagpuan sa Guihulngan City kasunod ng dalawang magkasabay na encounter

Panibago na namang bangkay ang natagpuan ng mga awtoridad nitong ika-31 ng Oktubre 2022 sa Guihulngan City, Negros Oriental, kasunod sa magkasabay na encounter sa parehong lungsod noong Oktubre 29, 2022.

Kinilala ng 62nd Infantry “Unifier” Battalion ang natagpuang bangkay na si Marlon Albino alyas Max, residente ng Sitio Nabanwagan, Brgy Trinidad, Guihulngan City, at miyembro ng SDG Pltn, CN1, KR-NCBS.

Natagpuan ang bangkay sa Sitio llihan, Brgy Buenavista na agad ding dinala ng mga awtoridad sa St Francis Memorial Homes sa Guihulngan City.

Matatandaang nauna ng natagpuan ang isang bangkay ng kinilalang si Michael Asuncion alyas Raymund, miyembro rin ng CN1, KR-NCBS matapos nangyari ang sagupaan sa pagitan ng sundalo at rebeldeng mga NPA. Kung saan narekober ng mga awtoridad ang isang 12-gauge shotgun; isang .45 cal pistol; isang hand grenade; dalawang Baofeng radio; dalawang backpack at iba pang mahahalagang mga dokumento.

Hinimok naman ng mga awtoridad ang iba pang mga NPA, lalo na ang mga sugatan nitong mga kasapi na sumuko na lamang sa pamahalaan dala ang kanilang mga armas upang mabigyan ng karampatang lunas at mamuhay ng tahimik at payapa.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe