Thursday, December 26, 2024

HomeNewsMga Menor de Edad, ipinagbabawal na pumasok sa mga sementeryo sa Tacloban...

Mga Menor de Edad, ipinagbabawal na pumasok sa mga sementeryo sa Tacloban City

Tacloban City – Ang mga menor de edad na wala pang 12 taong gulang ay hindi papayagang makapasok sa alinman sa mga sementeryo sa lungsod ng Tacloban bilang bahagi ng health at safety protocols para sa Covid-19 ngayong undas.

“Dahil marami na ang nabakunahan, ang mga menor de edad na wala pang 12 taong gulang ang hindi papayagang makapasok sa sementeryo ng ating mga pulis sa lungsod,” sabi ni City Disaster Risk Reduction and Management Officer Ildilbrando Bernadas sa isang panayam nitong Huwebes, Oktubre 27, 2022.

Naabot na ng Tacloban City ang 104.3 percent rate sa pagbibigay ng mga bakuna sa Covid-19.

Binanggit ni Bernadas na nasa 500,000 residente ang inaasahang bibisita sa Tacloban City Old Cemetery mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2.

Ang Tacloban City Old Cemetery ang pinakamalaki at pinakamatanda na may humigit-kumulang 100,000 ang nakalibing dito.

Magde-deploy ang City Police Office ng 328 personnel sa mga sementeryo sa loob ng tatlong araw.

Ang lungsod ay may limang iba pang pampubliko at pribadong sementeryo – ang Tacloban City New Cemetery, Chinese Cemetery, Holy Cross Memorial Gardens, Leyte Memorial Park, at Superior Memorial Gardens.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe