Wednesday, December 25, 2024

HomeNational NewsMga magsasaka sa Negros Occidental, benepisyaryo ng DA-PRDP program

Mga magsasaka sa Negros Occidental, benepisyaryo ng DA-PRDP program

Tinatayang nasa kabuuang 1,835 miyembro ng iba’t ibang organisasyon ng mga magsasaka sa Negros Occidental ang napabilang sa mga benepisyaryo sa Philippine Rural Development Project (PRDP) ng Department of Agriculture (DA).

Kinumperma ito ni Governor Eugenio Jose Lacson nitong Martes matapos matanggap ng probinsya ang naturang assistance kasabay sa distribution rites na pinangunahan mismo ni President Ferdinand R. Marcos Jr sa Talisay City.

Kabilang sa mga programa ang Salvanticam Native Chicken Breeding, Production and Marketing Enterprise, na may nakatalagang pondo na Php7.06 million, at mapupunta sa 444 benepisyaryo; Negros Occidental Goat Breeding and Marketing Enterprise, na may pondong Php16.90 million, para sa 490 benepisyaryo; at Negros Occidental Virgin Coconut Oil Production and Marketing Enterprise, na may pondong Php11.98 million, para sa 152 benepisyaryo.

Samantala, para naman sa Chicks Area Coffee Processing and Marketing Enterprise, may pondong Php11.94 million, na mapupunta naman sa 379 benepisyaryo; Kape Primera De La Castellana Coffee Processing and Marketing Enterprise, Php11.05 million, para sa 193 benepisyaryo; at Cadiz City Coffee Processing and Marketing Enterprise, Php11.71 million para sa 177 benepisyaryo.

Sa ilalim naman ng Special Areas for Agricultural Development Program, ang mga magsasaka mula sa bayan ng Don Salvador Benedicto ay makakatanggap ng kabuuang Php2.82 million para sa coffee and corn production; sa bayan ng Toboso naman, ay Php3.74 million para sa duckling, native chicken, corn at coffee production; at sa bayan ng Moises Padilla, ay Php1.12 million para sa corn at native chicken production.

Nakatanggap din ang probinsya ng certificate para sa palay seeds para naman sa 100 magsasaka sa ilalim ng Rice Competitive Enhancement Fund.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe