Wednesday, December 25, 2024

HomeNational NewsNasa 27 miyembro ng NPA, nagbalik loob sa pamahalaan mula Hulyo hanggang...

Nasa 27 miyembro ng NPA, nagbalik loob sa pamahalaan mula Hulyo hanggang Setyembre sa Western Visayas

Tinatayang nasa 27 na miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang tuluyan ng binawi ang suporta at tumiwalag sa komunistang grupo nitong 3rd Quarter ng 2022, mula Hulyo hanggang Setyembre 2022 sa buong Rehiyon VI.

Ito ay matapos makapagtala ang Police Regional Office 6, sa mga indibidwal na sumuko sa iba’t ibang istasyon at yunit ng PNP sa buong rehiyon.

Sa kabuuang 27 na mga sumuko 19 nito ay mula sa Capiz Police Provincial Office; apat sa Iloilo Police Provincial Office; tig-dadalawa naman sa Negros Occidental Police Provincial Office at Antique Police Provincial Office habang isa naman ang sumuko sa Criminal Investigation and Detection Unit 6.

Ang naturang mga sumuko ay miyembro ng Kilusang Rehiyong Panay (KR-P), Tumandok Organization, Negros Cebu-Bohol-Siquijor (SWF, KR NCBS), Gabriela-Aklan at Igabon Platoon.

Ang mga sumuko ay sumailalim sa debriefing kung saan sila ay vinalidate upang maipoproseso para sumalilalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP program ng pamahalaan.

Samantala, hinikayat naman ni PBGen Leo M Francisco, RD PRO6, ang iba pang mga miyembro na nagtatago at naghihirap sa kabundukan ng Western Visayas na sumuko at magbalik-loob na sa gobyerno upang makapamuhay ng normal.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe