Saturday, November 23, 2024

HomeEntertainmentCultureBailes de Luces, muling itinampok sa South Korea

Bailes de Luces, muling itinampok sa South Korea

Muling itinampok ang Bailes de Luces o ang Festival of Lights ng La Castellana, Negros Occidental sa 2022 Gwangju-Chungjang Festival of Recollection na ginanap sa South Korea nitong Oktubre 13, 2022.

Napamangha ang mga manonood nang nagpakitang gilas ang iba’t ibang Bailes de Luces dancers na nanggaling pa sa bayan ng La Castellana, upang makilahok sa naturang kompetisyon kasama ang iba pang mga contingents sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa panayam kay Mayor Rhumyla Nicor-Mangilimutan, Mayor ng La Castellana, sinabi niyang lubos ang kanyang pasasalamat sa Panginoon sa mga oportunidad upang maipakita sa buong mundo ang kultura at tradisyon ng kanilang bayan sa pamamagitan ng Bailes de Luces festival.

“Our participation is not just to win the competition but has formed part of tourism promotion not only for La Castellana but the province of Negros Occidental that will someday bear fruit insofar as future partnership or sisterhood that might help boost for the improvement and development of my town,” saad pa niya.

Ito na ang pangalawang beses na naisali ang Bailes de Luces sa nasabing festival competition sa South Korea.

Samantala, nagpasalamat din si Mayor Mangilimutan kay Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson, Provincial Administrator Rayfrando Diaz II, Fifth District Representative Dino Yulo, sa iba pang mga opisyal ng Local Government Unit, sa mga dancers at sa lahat ng mga sumusuporta sa patuloy na pagsubaybay at walang humpay na suporta sa Bailes de Luces Festival.

Nagkaroon naman ng toast of bamboo wine sina Damyang Vice Mayor Joellanam-do-Choi Huang Ju at Mayor Mangilimutan bilang simbolo ng mainit na pagtanggap sa mga bisitang Pilipino sa South Korea.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe