Sibalom, Antique- Sumuko ang isang former CTG member sa mga kapulisan sa Sibalom, Antique nitong Oktubre 13, 2022.
Kinilala ng mga awtoridad ang sumukong rebelde na si alias “Nonoy”, 20 anyos, isang magsasaka mula sa Sibalom, Antique.
Kabilang sa kanyang mga isinuko ang isang yunit ng 5.56 break type (serviceable firearm) na may kasamang siyam (9) na live ammunition at isang yunit ng fragmentation grenade.
Si Nonoy at ang kanyang mga isinukong kagamitan ay nasa kustodiya na ng Sibalom PNP para sa custodial debriefing at iba pang dokumentasyon.
Samantala, napabilang naman si Nonoy sa mga benepisyaryo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP kung saan makakatanggap siya ng iba’t ibang mga benepisyo at tulong mula sa pamahalaan tulad ng Livelihood Assistance, Medical, Education, Housing at Legal Assistance.
Nagpasalamat naman si Nonoy sa pamahalaan sa bagong oportunidad na binigay sa kanya upang magbalik-loob at magsimula ng mapayapa at progresibong pamumuhay kung saan kasama ang pamilya at malayo sa kaguluhan.