Sunday, October 6, 2024

HomeNewsBangayan ng magkapatid sa Basey, Samar, nauwi sa pananaga; isa patay

Bangayan ng magkapatid sa Basey, Samar, nauwi sa pananaga; isa patay

Agad na binawian ng buhay ang isang lalaki matapos na pagtatagain ito ng sarili nitong kapatid na dumalo lamang sa isang lamay sa Bayan ng Basey, Samar noong gabi ng Oktubre 10, 2022.

Kinilala ang biktima na si Erwin Padoc, 26 anyos, isang magsasaka at residente ng Brgy. Bulao, Basey, Samar.

Samantala, kinilala naman ang suspek na nakababatang kapatid mismo ng biktima na si Merwin Padoc, binata, isa ring magsasaka at residente ng parehong lugar.

Napag-alaman na nag-ugat ito sa isang mainit na bangayan ng magkapatid habang nag-iinuman sa lamay na nauwi sa pagpatay ng suspek sa sariling kapatid gamit ang isang katana.

Nadala pa sa Basey District Hospital ang biktima ngunit dahil sa matinding taga sa kanyang katawan ay wala ng nagawa ang Doktor at binawian na ito ng buhay.

Nagpapatuloy naman ngayon ang manhunt operation ng mga kapulisan para sa posibleng pagkakadakip ng suspek.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe