Sunday, October 6, 2024

HomeNewsLalaking sakay ng motorsiklo, patay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman...

Lalaking sakay ng motorsiklo, patay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman sa Cebu City

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Barangay Basak Pardo, Cebu City nitong Martes, Oktubre 11, 2022.

Kinilala ang biktima na si Rodgene Tobalado, 28 anyos, residente ng Sitio Ubca 3, Barangay Quiot, Pardo, Cebu City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang suspek ay binaril ng hindi pa nakikilalang gunman na sakay din ng motorsiklo.

Samantala, ayon sa mga saksi ang biktima ay nakatakbo pa sa kabila ng tama ng bala ng baril ngunit natumba ilang metro ang layo mula sa insidente. Muli itong tumayo, tinanggal ang suot na mask sa mukha, at muling humakbang papalayo ngunit kalaunan ay bumagsak sa lupa sa huling pagkakataon.

Sinabi naman ng ina ng biktima na nakatanggap umano ng tawag ang kanyang anak bandang alas-10:00 ng umaga sa mismong araw ng Martes at hindi matukoy kung babae o lalaki ang kausap nito, ngunit narinig niyang nagtanong ang anak kung nasaan ang tumatawag at pagkatapos ay umalis. At ang sumunod na ay ang balitang binaril at napatay ang kanyang anak sa Jumalon Drive at Tupas Street ng naturang lugar.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng kapulisan ng imbestigasyon ukol sa naturang insidente upang matukoy ang suspek at motibo nito sa naturang krimen.

SOURCE | https://www.sunstar.com.ph/article/1943157/cebu/local-news/man-on-motorcycle-killed-after-he-was-shot-by-unidentified-gunman

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe