Friday, November 22, 2024

HomeNewsHindi Mga Sundalo Ang Inatake Ng NPA; Kundi Ang Mamamayan Ng Dorillo,...

Hindi Mga Sundalo Ang Inatake Ng NPA; Kundi Ang Mamamayan Ng Dorillo, Jipapad, Eastern Samar

𝑻𝒂𝒄𝒍𝒐𝒃𝒂𝒏 𝑪𝒊𝒕𝒚- Mariing kinokundena ng Eastern Visayas Peace Builders and Development Federation (EVPBDF), kalipunan ng mga organisasyon ng mga dating kasapi ng CPP-NPA-NDF, ang ginawang pag atake ng CPP-NPA sa Barangay Dorillo, Jipapad, Eastern Samar noong Oktubre 7, 2022.

Malinaw na paglabag ang ginawang pag-atake ng CPP-NPA-NDF sa International Humanitarian Law, kung saan isang 10 anyos na batang babae ang kabilang sa 3 sugatan. Ang pagpasok mismo sa barangay ng terortistang grupo ay paglalagay sa buhay ng mga sibilyan sa kadelikaduhan.

Marso 2021 nang magsagawa ng Community Support Program ang kasundaluhan ng 52nd Infantry “Agila” Battallion sa Barangay Dorillo at madeklarang cleared noong Nobyembre 2021 kung saan ay nakapagtala ng 47 surrenderees sa nasabing Barangay at patuloy pang nadaragdagan, kabilang dito ang 5 kasapi ng Communist Party of the Philippines, 13 kasapi ng Milisyang Bayan ng New People’s Army at 29 na kasapi ng illegal na organisasyon ng PKM, Makibaka at Kabataang Makabayan. Hindi maikakaila na naging matagumpay ang kampanyang whole-of-nation approach ng EO70 o NTF-ELCAC upang matapos na ang armadong pakikibaka na inilulunsad ng teroristang CPP-NPA-NDF.

Upang ituloy ang mga tagumpay na nakamit ng mamamayan ng Brgy. Dorillo at tiyakin ang ibinibigay na programa ng Local Government Unit ng Eastern Samar, nagpadala ng Mobile Community Support Sustainment Team ang 52ndIB noong Agosto 2022. Palabasin man ng Teroristang CPP-NPA-NDF na ang mga kasundaluhan ang kanilang layunin, malinaw na maghasik ng terorismo sa mamamayan ang tunay na layunin nito at pigilan ang daluyong ng mga nag babalik-loob sa Gobyerno. Sa kabila ng kaliwa’t kanang pang-aatake at pananakot ng CPP-NPA, naninindigan ang buong Eastern Samar sa pagpapatuloy ng kampanya upang wakasan na ang 5-dekada nang pag-papahirap, pananakot at pagpatay ng teroristang CPP-NPA.

Nakikiramay ang EVPBDF sa pamilya ng mga nasawing kasundaluhan na si SSG Jhon Claire G Flores (INF) PA at PFC Mark Edupuncho R Siscar (INF) PA, habang pinapatupad ang tungkulin nitong palayain ang mamamayan sa tanikala ng panlilinlang ng mga terorista. Hindi matatawaran ang hirap at sakripisyong ibinibigay nila para sa mamamayan. Kailanma’y hindi makakalimutan ng mamamayan ng Eastern Samar ang buhay na kanilang inalay para sa mamamayan.

Hangad rin ng EVPBDF ang agarang pag-galing ng bata na si Princess Norcio. Kabilang si Princess sa libo-libong mga kabataan na nasugatan at nasawi sa mga ginawang pag-atake ng teroristang grupong CPP-NPA. Kaya nanawagan rin ang mamamayan ng HUSTISYA at pagpapanagot sa CPP-NPA sa pag-atakeng ito sa Barangay ng Dorillo, Jipapad, Eastern Samar.

Susulong ang Kilusang Pagpapalaya upang kamtin ang kapayapaan ng mamamayan.

𝑷𝒂𝒅𝒂𝒚𝒐𝒏, 𝑷𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏!

###

Source: Facebook Page of Eastern Visayas Peace Builders & Development Federation

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe