Tuesday, December 24, 2024

HomeEntertainmentCultureLaro ng Lahi, muling idinaos at sinariwa ng PNP Western Visayas

Laro ng Lahi, muling idinaos at sinariwa ng PNP Western Visayas

Iloilo City– Muling idinaos at sinariwa ng mga tauhan ng Police Regional Office 6 Western Visayas ang iba’t ibang Laro ng Lahi nitong Biyernes, Oktubre 7, 2022, bilang bahagi sa kanilang selebrasyon ng “Fiesta sa Kampo 2022.” 

Kabilang sa mga larong sinalihan ng mga kapulisan ang sack race, planting straw, flour, and obstacle relays; tumbang presoPinoy Henyohabulan ng baboycatch my egg baby; hampas palayokubusan ng lahi;atpabitin.

Layunin ng naturang selebrasyon ang sariwain ang mga katutubong laro at pagtibayin pang maigi ang kapatiran ng bawat isa bilang magkatuwang na miyembro ng Pambansang Pulisya.

Ito ang kauna-unahang beses na nagkaroon ng katutubong palaro sa loob ng nasabing regional headquarters.

Bago nagsimula ang palaro, nagkaroon pa ng feeding program at gift giving para sa halos 100 na kabataan mula sa mga Barangay ng Veterans Village at Concepcion sa City Proper ng Iloilo City.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe