Tuesday, December 24, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesDengue cases sa Antique, tuloy-tuloy sa pagbaba; pag-alis sa state of calamity...

Dengue cases sa Antique, tuloy-tuloy sa pagbaba; pag-alis sa state of calamity ng probinsya, isinusulong

San Jose de Buenavista, Antique – Inirekomenda ng Antique Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa Integrated Provincial Health Office o IPHO ang pag-alis sa state of calamity sa buong probinsya ng Antique matapos ang patuloy na pagbaba ng mga kaso ng dengue sa lalawigan.

 Ayon kay Mr. Broderick Train, PDRRM Officer, base sa ulat ng IPHO, patuloy na bumababa ang kaso ng dengue sa probinsya, dahilan na pwede ng alisin ang state of calamity sa naturang lalawigan. Nitong Setyembre 24, nakapagtala ang probinsya ng kabuuang 2, 406 dengue cases kung saan walo sa mga ito ang nasawi.

Mula Setyembre 17 hanggang Setyembre 23, nakapagtala na lamang ang probinsya ng 18 dengue cases, di hamak na mas mababa sa mga nakaraang linggo na nakapagtala ng 60 hanggang 70 porsyento ng mga dengue cases kada linggo.

Inaasahang ipapasa ng provincial board ang resolusyon kaugnay sa pagtanggal sa state of calamity ngayong linggo.

Matatandaang idineklara ang probinsya sa state of calamity noong Hulyo 14, 2022 matapos lumubo ang mga kaso ng dengue sa nasabing lugar.

Ang pagbaba ng mga dengue cases sa probinsya ay epekto sa patuloy na pagsasagawa ng Lokal na pamahalaan ng awareness activity sa buong komunidad laban sa dengue, at ang malawakang pagpapatupad ng 4 o’clock cleanliness habit at pinaigting na spraying activity.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe