Patay ang isang guro ng Minglanilla Central School sa isang aksidente sa kalsada noong Martes ng hapon Oktubre 4, 2022 sa Barangay Tunghaan, Minglanilla, Cebu.
Naganap ang insidente isang araw bago ipagdiwang ang National Teachers’ Day sa bansa.
Ang biktimang si Charisma Servedo ay agad na dinala sa ospital nang mangyari ang insidente, ngunit kalaunan ay binawian ng buhay dahil sa malubhang pinsala na natamo nito.
Ayon kay Police Master Sergeant Joel Lacson ng Minglanilla Police Station si Servedo ay angkas noon ng kanyang asawang si Sherwin nang mabangga sila ng isa pang motorsiklo na kung saan ang mister nito ay nagtamo rin ng mga sugat sa katawan.Â
Sa kanilang imbestigasyon, nabatid na nag-u-turn ang mister ng biktima nang mabangga sila ng nakasunod na motorsiklo. Dahil sa lakas na impact ng pagkabangga ay nahulog ang guro at tumama sa semento.
Ang hindi pa nakikilalang driver na nakabangga sa mag-asawa ay pinaghahanap na ngayon ng pulisya na tumakas matapos ang aksidente.
Source || https://www.sunstar.com.ph/article/1942642/cebu/local-news/teacher-dies-in-road-accident-ahead-of-teachers-day