Nasawi ang isang High School Science Teacher mula sa Basey National High School matapos saksakin ng kanyang estudyante noong Lunes, Oktubre 3, 2022.
Nakilala ang biktima na si George Lauron, 32 anyos, nagtuturo sa Basey National High School at residente ng Paranas, Samar.
Sa inisyal na imbestigasyon, magkakasama ang biktima, suspek at isa pang lalaki na nag-iinuman sa inuupahang kwarto ng guro.
Sa hindi pa matukoy na dahilan ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng guro at estudyante na nagresulta sa pananaksak ng suspek.
Nagtamo si Lauron ng saksak sa kaniyang dibdib at agad na dinala sa Basey District Hospital ngunit idineklara rin itong dead-on-arrival.
Agad ding sumuko sa mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Kurt Apolinar Lancanan, 19 anyos, Senior High Student mula sa nasabi ring paaralan at residente ng Brgy. Lawaan, Basey, Samar.
Mahaharapa naman ang suspek sa kasong Murder.