Sunday, November 24, 2024

HomeNewsBrgy. Chairman, patay sa pamamaril sa Northern Samar

Brgy. Chairman, patay sa pamamaril sa Northern Samar

Northern Samar – Patay ang isang Barangay Chairman at sugatan naman ang isa pang lalaki sa isang insidente ng pamamaril sa Bgy. Cababto-an, Pambujan, Northern Samar noong Sabado, Oktubre 1, 2022.

Kinilala ang napatay na si Yolando Gloton Jarito, Brgy Chairman ng Bgy. Diit de Turag, Silvino Lubos Northern Samar at ang sugatan na si Yolando Jarito, Jr.

Ayon sa imbestigasyon, bandang 3:40 ng hapon nang pagbabarilin ang mga biktima ng hindi pa nakikilalang tatlong suspect na sakay ng dilaw na XRM motorcycle.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng Pambujan Municipal Police Station kasama ang San Roque MPS at Mondragon MPS para sa posibleng pagkakadakip ng mga suspek.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa motibo ng pamamaril.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe