Matapos ang halos isang taon na pagtatago sa kamay ng batas, naaresto ng kapulisan ang tinaguriang Top 2 Most Wanted Person ng Cebu sa Taytay, Rizal noong Sabado, ika-1 ng Oktubre 2022.
Ang suspek na si John Belleneric Abarca, 33, construction worker, naninirahan sa Vista Grande Subd., Antipolo, Rizal ay naaresto dakong alas-7 ng umaga noong Sabado sa magkatuwang na operasyon ng mga kapulisan ng Central Visayas at ng Manila Police District, na pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Dexter Maleza Calacar, Force Commander, MPD, DID-SMART.
Inaresto si Abarca sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Sexual Assault ng Article 266-A in relation to Republic Act 7610 na may Criminal Case number: CEB-BRL-6236, CEB-BRL-6237 at CEB-BRL-6238 na inisyu ni Hon. Anabelle Morana Robles, Presiding Judge ng RTC7 Branch 96, Barili, Cebu noon pang nakaraang taon.
Si Abarca ay agad naman na dinala ng mga awtoridad sa MPD, DID-SMART at isinailalim para sa tamang proseso ng desposisyon.