Humantong sa pagkakaaresto sa siyam (9) na drug suspek at pagkakalansag ng drug den ang buy-bust operation na ikinasa ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency 7 sa Barangay Tisa, Cebu City noong ika-1 ng Oktubre 2022.
Kabilang sa mga naaresto ang subject ng naturang operasyon, ang mag-ama na sina Benedicto Arias, 59 at Christian Arias, 20, at ang mga umano’y bisita na sina Lawrence Parba, 19; Bart Villona, 54; Roy Gadiano, 22; Ace Parba, 25; Richard Abucay, 35; James Daclan, 28; at Jeffrey Cabalquinto, 32.
Nakumpiska mula sa nasabing operasyon ang nasa 16 gramo ng hinihinalang shabu na may estimate market value na Php108,800, drug paraphernalia at buy-bust money.
Nahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Sections, 5, 6, 7, 11, 12, at 26(b), Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.