Friday, November 8, 2024

HomePoliticsGovernment Updates120 bata sa Cebu, naging bahagi ng anim na buwan na Milk...

120 bata sa Cebu, naging bahagi ng anim na buwan na Milk Feeding Program

Hind bababa sa 120 na bata sa Barangay Calaboon, Dumanjug, Cebu ang naging bahagi sa milk feeding program na inorganisa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Girl Scout of the Philippines at Saturn Gaming N’ Amusement Corporation sa loob ng anim na buwan.

Ang mga batang naging benepisyaryo ng programa na may edad lima hanggang 13 ay binigyan ng supply ng gatas sa loob ng anim na buwang feeding program na natapos nitong Sabado, Oktubre 1, 2022 at nagkaroon ng culminating activity na ginanap sa covered court ng nabanggit na barangay.

Ayon naman kay Ginang Gloria Ybañez, Department Manager ng PCSO Visayas, pinili nila ang Barangay Calaboon bilang recipient ng programa dahil sa laganap na kakulungan ng timbang ng mga bata sa lugar.

Sinabi pa ni  Ginang Ybañez na ang programa ay pinasimulan ni dating Cebu City Police Office Chief, Police Colonel Royina Garma, noong siya pa ang general manager ng PCSO noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, upang mabigyan ng pagkain ang mga mahihirap na bata sa bansa.

Ang Visayas ay napili bilang isa sa mga pilot area ng programa.

Source || https://www.sunstar.com.ph/article/1942308/cebu/local-news/120-kids-in-dumanjug-complete-milk-feeding-program

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe