Saturday, November 23, 2024

HomeRebel NewsSundalo patay sa engkwentro laban sa NPA sa Northern Samar

Sundalo patay sa engkwentro laban sa NPA sa Northern Samar

Patay ang isang sundalo mula sa 3rd Infantry Battalion (Philippine Army) matapos maka-enkwentro ang ilang hinihinalang miyembro ng rebeldeng New People’s Army kahapon ng umaga, Lunes, Setyembre 26, 2022 sa Brgy. Luisita, Victoria, Northern Samar.

Kinilala ang nasawi na si Corporal Loreto C. Cachola Jr, tubong Nagbukel, Ilocos Sur na nasawi matapos tamaan ng bala sa leeg bunga ng biglaang pag-atake ng mga rebeldeng grupo habang nagpapatrolya ang nasabing tropa ng Philippine Army sa naturang lugar.

Ayon sa ulat mula sa Commanding Officer ng 3IB, bahagi si Corporal Cachola ng Mobile Community Support Sustainment Team na tumugon sa hiling ng mamamayan na magbantay sa seguridad sa naturang barangay dahil sa mga napaulat na extortion activities ng nasabing grupo.

Naniniwala naman ang militar na ang grupo ni Alyas Normie ang nasa likod sa naturang pag-atake, dahil ang grupo lamang ang napaulat na madalas masubaybayan na nangingikil ng pera at pagkain mula sa mga tao sa nasabing lugar.

Nagdagdag na rin ng tropa ang Philippine Army upang tugisin ang rebeldeng grupo na siyang responsable sa nabanggit na pamamaslang.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe