Monday, November 25, 2024

HomeNewsMagsasaka sa Northern Samar, patay sa pamamaril dahil sa alitan sa manok

Magsasaka sa Northern Samar, patay sa pamamaril dahil sa alitan sa manok

Catarman, Northern Samar- Nauwi sa patayan ang alitan ng dalawang lalaki dahil sa nawawalang manok sa bayan ng Catarman, Northern Samar nitong Sabado, Setyembre 24, 2022.

Patay ang isang 42 anyos na magsasaka matapos umanong barilin ng nakaalitan niyang 20 anyos na lalaki sa naturang lugar.

Ayon sa imbestigasyon, bago ang krimen ay inakusahan ng biktima ang ama ng suspek na nagnakaw ng manok.

Nagkaroon pa ng paghaharap sa barangay ang biktima at suspek, pero hindi nagkaayos ang mga ito.

Pumunta umano ang biktima sa bahay ng suspek, na kumuha naman ng improvised shotgun at binaril ang biktima sa leeg.

Agad ding nahuli ng pulisya ang suspek at nakuha ang ginamit na baril.

Nakakulong ngayon sa Catarman Municipal Police Station ang suspek na nakatakdang kasuhan ng homicide.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe