Northern Samar – Nadiskubre ng mga kasundaluhan ang tatlumpu’t walong Anti-Personnel Mine (APM) habang nagsasagawa ng Focused Military Operation (FMO) sa Brgy Sag-od, Las Navas, Northern Samar bandang 12:00 ng tanghali noong Setyembre 22, 2022.
Alinsunod dito, nagsasagawa ng pursuit operation ang 3rd Infantry Battalion ng Philippine Army laban sa mga tumakas na mga miyembro ng Communists Terrorist Group mula sa huling engkwentro sa Brgy. Senonogan de Tubang, Silvino Lubos, Northern Samar nang matuklasan na ang mga ito ay pinaghihinalaang naiwan noong sila ay tumakas.
Ang pagbawi ng mga anti-personnel mine ay resulta ng pagsisikap at dedikasyon ng mga pwersa ng gobyerno sa pagwawakas sa lokal na armadong labanan sa Northern Samar.