Monday, November 25, 2024

HomeSportsCyclist mula sa Bacolod, nakatakdang sasali sa World Cycling Championship sa Italy 

Cyclist mula sa Bacolod, nakatakdang sasali sa World Cycling Championship sa Italy 

Nakatakdang sasali ang isang siklista mula sa Bacolod City matapos mabigyan ng imbitasyon mula sa Union Cycliste Internationale (UCI) – ang world governing body para sa cycling, upang sumali sa kaunaunahang Gravel World Championship na gaganapin nitong darating na Oktubre 8 sa Venice, Italy.

Matapos manalo bilang third place sa gravel cycling race nitong Abril sa Bongabon, Nueva Ecija, naimbitahan si Janiree Rubrico-Dacles, 29 anyos, at residente ng Barangay Granada sa Bacolod City na lalahok sa Women’s Open Elite Category kasama ang iba pang mga inimbitang atleta mula sa 22 bansa.

Ang Gravel racing ay naging popular nitong nakaraang mga taon lamang, ito ay pinagsamang road at mountain bike racing na kadalasang dinadaos sa mga open gravel roads, at single tracks.

Ang bansang Italy ay isa sa mga may pinakamaraming cycling clubs sa buong mundo na naging mas kilala pa sa mga racing activities nito gaya ng Giro d’Italia, Strade Bianche at ang Tour of Lombardy na tinaguriang isa sa mga pinakasikat na cycling contest sa balat ng lupa.

Sa darating na gravel championship race, inaasahang tatahakin ni Janiree ang nasa 140-kilometer stretch ng pure gravel route na may total elevation na 740 meters.

Nagsanay si Janiree sa kabundukan ng Alangilan, habang ang kanyang pagpupursige at tiwala sa sarili ang nagdala sa kanya upang manalo sa ibat ibang cycling competition sa buong bansa nitong nakaraang walong taon, mula nang siya ay sumali sa parehong kompetisyon.

Kabilang sa kanyang mga naipanalo ang Spartan Race Trifecta, isang international obstacle course racing event. Nakakuha rin siya ng gintong medalya hindi lang sa cycling kundi sa running, trail running, adventure races, road at mountain bike races.

“Never Surrender” ang motto ni Janiree sa lahat ng kanyang mga sinasalihang kompetisyon, kaya inaasahan naman ng lahat ng Pilipino na ibabandera ni Janiree ang bandila ng Pilipinas sa buong mundo nitong darating na Oktubre.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe