Sunday, October 6, 2024

HomeNewsLalaki, timbog sa buy-bust operation sa Samar

Lalaki, timbog sa buy-bust operation sa Samar

Timbog ang isang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad, sa Gandara, Samar nitong Setyembre 22, 2022.

Kinilala ang suspek na si Recto Pepito, 43 anyos at residente ng Brgy. Tagnao sa nabanggit na bayan.

Dinakip si Pepito, dakong alas nuwebe ng gabi sa Brgy. Diaz, makaraang maaktuhang binebentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Kabilang sa mga nakuha sa kanyang pag-iingat ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, Php500 na buy-bust money, at dalawang IDs.

Nasa kustodiya na ng Gandara Municipal Police Station ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe