Humantong sa pagkakaaresto ng isang drug suspect at pagkakakumpiska ng tinatayang nasa Php340K halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Drug Enforcement Group Central Visasas nitong Setyembre 16, 2022 sa Sitio Chicosan, Barangay Tisa, Cebu City.
KInilala ng mga awtoridad ang naaresto na si Modesto Ocaba, 49 taong gulang, residente ng Sitio Mangga ng nasabing barangay.
Nakumpiska sa naturang suspek ang mga hinihinalang shabu at buy-bust money.
Nahaharap si Ocaba sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.