Friday, November 15, 2024

HomeNewsBabae, nabiktima ng budol-budol gang sa Catbalogan City

Babae, nabiktima ng budol-budol gang sa Catbalogan City

Mahigit Php200,000 halaga ng alahas at pera ang nakuha sa isang 58-anyos na babae sa Catbalogan City, Samar matapos mabiktima ng ‘budol-budol gang’ bandang alas-10:30 nitong Setyembre 10, 2022.

Sa impormasyon ng pulisya, kinilala ang biktima na si Remegilda De Asis, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa biktima, habang papunta siya sa Pier 1 na isang pampublikong palengke sa lugar, may lalaking nagpakilalang seaman ang lumapit kasama ang kanyang anak.

Dinala siya sa isang kotse kung saan may sakay na tatlo pang babae at tinanong kung saan siya nakatira at may ipinakitang maraming pera.

Sinabi ng biktima na pinilit umano siya ng mga suspek na kunin ang kanyang pera at mga alahas sa kanyang bahay kapalit ng isang bag na puno ng pera.

Matapos maibigay ang kanyang pera at alahas sa mga suspek ay pinauwi na siya dala ang bag ngunit pagpasok ng biktima sa kanilang bahay at binuksan ang bag, mga papel lamang ang nasa loob.

Tiglilimang gintong kwintas, pulseras, at singsing; pitong gintong hikaw; at apat na relo na nagkakahalaga ng Php190,000, at Php24,000 na pera ang natangay ng mga suspek.

Nagsagawa naman ng imbestigasyon at pursuit operation ang Catbalogan PNP sa mga nakatakas na suspek sa nasabing insidente.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe