Friday, November 15, 2024

HomeNewsGinang arestado sa kasong Qualified Theft sa Lapu-Lapu City

Ginang arestado sa kasong Qualified Theft sa Lapu-Lapu City

Lapu-lapu City, Cebu- Humantong sa matagumpay na pagkakaaresto sa isang 45 taong gulang na ginang ang paghahain ng mga awtoridad ng warrant of arrest sa kasong qualified theft nitong Miyerkules, Setyembre 7, 2022 sa Brgy. Pajo, Lapu-Lapu City.

Kinilala ang naaresto na si Sharon Villanueva Illumin, 45, residente ng nabanggit na lugar.

Ang pagkakadakip sa suspek ay bunga ng pagsisikap ng mga tauhan ng Technical Support Company ng Regional Mobile Force Battalion 7.

Ang warrant of arrest na ginamit sa matagumpay na operasyon ay inisyu noong Hulyo 29, 2022 ni Hon Maria Ligaya V Itliong-Rivera, Presiding Judge ng RTC, 1st Judicial Region Branch 5, Baguio City sa kasong Qualified Theft na may Criminal Case Number 41251-R.

Matapos maaresto ang suspek, agad itong dinala sa istasyon para sasailalim sa tamang disposisyon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe