Sunday, October 6, 2024

HomeNewsWaterboy, arestado matapos mahulihan ng baril sa Calbayog City

Waterboy, arestado matapos mahulihan ng baril sa Calbayog City

Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng baril sa Naga beach sa Brgy. Carayman, Calbayog City nitong Setyembre 7, 2022.

Kinilala ang suspek na si Carmelo Flores Pagliawan, 21-anyos, isang waterboy, at residente ng Brgy. Pupua, Catbalogan City.

Ayon sa Calbayog City PNP, pasado alas diyes ng gabi nang namataan ng mga rumo-rondang barangay tanod ang suspek na hubad-baro sa beach habang may nakaipit na baril sa kanyang beywang.

Agad itong dinakip ng mga tanod at dinala sa barangay hall saka ini-report sa pulisya.

Itinurover ng barangay si Pagliawan sa mga pulis, maging ang nakumpiska sa kanyang kalibre .45 na baril na kargado ng isang magazine na may anim na bala.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe