Nakatanggap ng tulong pinansyal ang anak ng isang Former Rebel mula sa 1st Samar Provincial Mobile Force Company noong ika-5 ng Setyembre 2022 sa Calbayog City, Samar.
Ang perang ibinigay ay maaaring gamitin pambili ng mga gamit sa paaralan, projects, allowance at iba pang mga gastusin.
Ito ay bahagi ng Initiative Best Practice ng mga kapulisan na tinaguriang “Ayuda Eskwela para sa Anak ng Dating Makakaliwa”.
Alinsunod rin ito sa pagdiriwang ng 28th National Crime Prevention Week (NCPW) na may temang “Sa New Normal: Sambayanang Magtulungan Krimen ay Hadlangan Tungo sa kapayapan at Kaunlaran”.
Ang pagsisikap na ito ay bahagi sa programa ng pamahalaan upang wakasan ang insurhensiya sa ilalim ng Executive Order No. 70 na kilala bilang Whole-of-Nation Approach para makamit ang pangmatagalang kapayapaan.