Kumpiskado ang tinatayang nasa Php6.8M halaga ng shabu sa magkatuwang na buy-bust operation na ikinasa ng mga operatiba ng Cebu Police Provincial Office, Regional Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay Estaca, Compostela, Cebu noong Setyembre 6, 2022.
Naaresto sa naturang operasyon ang tinaguriang high value individual ng rehiyon na si Erick Cabalda, 27, residente ng Barangay Pasil, Cebu City.
Nasamsam naman ang tinatayang nasa 1,000 gramo ng shabu na may estimated standard drug price na Php6,800,000.00.
Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay agad namang isinumite ng mga awtoridad sa PNP Regional Forensic Unit para sa pagsusuri.
Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Compostella Police Station habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.