Friday, November 15, 2024

HomePoliticsGovernment Updates11 iskolar sa Probinsya ng Negros Occidental, mag-aaral ng Post-Graudate Studies sa...

11 iskolar sa Probinsya ng Negros Occidental, mag-aaral ng Post-Graudate Studies sa Taiwan

Bacolod City, Negros Occidental- Nakatakdang mag-aral ng Post-Graduate Studies sa bansang Taiwan ang 11 na mga iskolar sa Probinsya ng Negros Occidental sa susunod na mga buwan.

Iyan ay matapos makipag-meeting ni Governor Bong Lacson sa 11 Negrense-scholars nitong araw, Setyembre 6, 2022.

Ang naturang mga kwalipikadong iskolar ng Negros Occidental Scholarship Program (NOSP) PAGKAON Scholars ay nagtapos ng BS Agriculture sa Catholic Ming Yuan College sa bayan ng Murcia. Sila ay dati ng NOSP Pagkaon scholars mula sa mga bayan ng Murcia, Hinobaan at Bago City.

Anim sa kanila ay kumukuha ng Master’s Degree in Food Sciences sa Fu Jen Catholic University habang ang lima naman ay Master of Science in Green Technology for Sustainability sa Nanhua University.

Kabilang din sa binayaran ng Provincial Government ng Negros Occidental ang kanilang scholars’ visa, medical fees, at airfare.

Samantala pinaalalahanan naman ni Gov. Lacson ang mga iskolar na pagbutihin nila ang kanilang pag-aaral upang mabigyan pa ng karangalan ang probinsya.

“Make the most of the opportunity given to you for you are going to learn something that you will use for the rest of your life,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Provincial Administrator, Atty. Rayfrando Diaz sa mga iskolar na pag-igihan nila ang kanilang pag-aaral sa labas ng bansa at kung maaari ay aralin nila ang mga epektibo na makabagong kagamitan at teknolohiyang pang-agrikultura ng bansang Taiwan, upang maibahagi ito sa mga magsasaka sa probinsya, at para na rin makatulong sila sa sektor ng agrikultura sa darating na panahon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe