Arestado ng pulisya ang isang 72-anyos na babae dahil sa umano’y pananaga sa kanyang asawa hanggang mamatay sa Brgy. Biliboy, Ormoc City.
Kinilala ang suspek na si Epefania Ycoy, na umano’y tumaga sa kanyang asawa na si Dominciano Ycoy, 76-anyos.
Batay sa ulat ng pulisya, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang mag-asawa dahil sa selos.
Nagresulta ito sa pagkuha ng misis ng mahabang patalim na armas, na kilala sa tawag na sundang, at napatay ang biktima dakong alas-11:45 ng gabi noong Linggo, Setyembre 4, 2022.
Arestado ang suspek sa isinagawang hot pursuit operation ng Ormoc City Police Station 1.
Narekober din ng mga awtoridad ang bolo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.
Nahaharap ngayon ang babae sa kasong parricide na may parusang reclusion perpetua habang buhay na pagkakakulong.