Iloilo City –Tinatayang nasa mahigit Php76.561 million halaga ng cash assistance ang naibahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa halos 27,280 estudyante ng Western Visayas.
Nagtalaga ang Western Visayas ng pondo na Php91 million para sa assistance ngunit sinabi ni May Rago- Castillo, DSWD Information Officer, na magrerequest sila ng karagdagang pondo mula s central office.
Sa Php76.561 million na naipamahagi, nasa Php31 million ang naibigay sa mahigit 11,248 estudyante sa pangatlong batch ng payout nitong Setyembre 3, 2022.
Matatandaang nitong Agosto 20, Agosto 27 at Setyembre 3, ang ahensya ay nakapamahagi ng 6, 277 mag-aaral sa elementarya, 5, 106 sa high school, 3, 516 sa senior high school at 12, 381 naman sa mga college students.
Dagdag pa ni Castillo na sa darating na Setyembre 10, bibigyan nilang priyoridad ang mga aplikante mula sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS) na hindi masyadong napansin sa mga nakaraang pay-out.
“GIDA areas will be given priority in the next pay-out, Sept. 10. We will make it easier for them to get the assistance,” saad pa niya.
Ang naturang educational assistance ay para lamang sa mga breadwinner; working student; mga kabataan ng unemployed parents, solo parents, overseas Filipino workers; at may karamdaman na human immunodeficiency virus (HIV); wala ng mga magulang; abused or displaced na mga kabataan; at biktima sa mga kalamidad.
Ang mga kwalipikadong benepisyaryo na nakapag-enroll sa elementarya, sekondarya, senior high school at kolehiyo ay makakatanggao ng cash assistance na nagkakahalagang Php1,000; Php2,000; Php3,000 at Php4,000 sa bawat klasipikasyon.