Sunday, October 6, 2024

HomeNewsHabal - habal driver, patay sa pamamaril sa Cebu City

Habal – habal driver, patay sa pamamaril sa Cebu City

Agad na binawian ng buhay ang isang habal-habal driver matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman sa H. Labra St. sa Barangay Guadalupe, Cebu City nitong Sabado ng gabi, Setyembre 3, 2022.

Kinilala ni Police Staff Sergeant Rey Montalban, Investigator ng Guadalupe Police Station, ang biktima na si Louie Del Castillo, 42-anyos, residente ng Sitio Kadianoy, Barangay Sapangdaku, Cebu City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, ang biktima ay noo’y nagmamaneho patungong Barangay Guadalupe mula sa Barangay Sapangdaku, nang mapansin nito ang isang motorsiklo na nakabuntot rito, kanyang binilisan ang pagpapatakbo upang iligaw ang sumusunod.

Ngunit pagkahinto ni Del Castillo sa H. Labra St. at ng ipinarada ang kanyang motorsiklo sa pagitan ng dalawang sasakyan ay huminto rin sa harap nito ang humahabol sa kanya at walang anumay pinagbabaril ng ilang beses.

Matapos makatanggap ang mga awtoridad ng patungkol sa naturang insidente, ay agad na pinuntahan ang lugar na kung saan ay tumambad ang duguang katawan ni Del Castillo na nakahandusay sa upuan ng kanyang motorsiklo na wala ng buhay.

Narekober sa lugar ng insidente ang apat na basyo at dalawang deformed slug ng bala ng baril at maging ang mga gamit ng biktima.

 Patuloy namang iniimbestigahan ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng mga suspek upang matukoy ang salarin sa likod ng naturang pamamaril.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe