Sunday, October 6, 2024

HomeNewsRiding in tandem, arestado sa Ormoc City

Riding in tandem, arestado sa Ormoc City

Arestado ng mga awtoridad ang riding in tandem matapos mahulihan ng baril sa Sitio Tinag-an Dos, Brgy. Ipil, Ormoc City, hapon ng Sabado, Setyembre 3, 2022.

Batay sa imbestigasyon, ang naka-checkered na damit ay ang driver ng sinasakyan nilang motorsiklo na kinilalang si Mac Mac Acosta, 27 anyos at taga Poblacion, Hilongos, Leyte.

Habang ang naka-jacket na pula ay kinilalang si Tata Baer, ​​38 anyos, mula sa Brgy. Santa Cruz, Hilongos, Leyte.

Narekober sa katawan ng mga suspek ang isang 45-caliber pistol na may mga bala at Php20,000 cash.

Sinabi ng dalawang naaresto na binayaran sila ng tig-1,500.00 para maihatid ang baril sa Ormoc City. Ngunit hindi nila sinabi kung kanino nila ito ihahatid at kung sino ang nag-utos sa kanila.

Patuloy pang iimbestigahan ng pulisya ang mga naaresto.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe