Saturday, October 5, 2024

HomeRebel News2 Most Wanted na CTG Member, arestado; Isa pa nilang miyembro, sumuko...

2 Most Wanted na CTG Member, arestado; Isa pa nilang miyembro, sumuko sa Leyte

Palo, Leyte- Arestado ng Police Regional Office 8 ang dalawang Most Wanted na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Brgy. Siljagon, Mapanas, Northern Samar habang isa naman ang sumuko sa Brgy. Luneta, La Paz, Leyte noong Agosto 30, 2022.

Si alyas Anding, 35 taong gulang, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Siljagon, Mapanas, Northern Samar ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder habang inaresto naman si Alias ​​Hapong Ortonio, 50 taong gulang, may asawa, magsasaka, residente rin ng nasabing barangay sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder.

Samantala, si Ka Jerna, 50 anyos, may live-in partner, magsasaka at residente ng Brgy. Luneta, La Paz, Leyte ay sumuko naman sa composite teams mula sa 1st Leyte Provincial Mobile Force Company, LPPO PIU at sa mga tauhan ng Palo MPS.

Kusang-loob niyang isinuko ang sarili sa mga awtoridad at binawi ang suporta sa CPP/NPA/NDF sa pag-asang magkaroon ng mapayapa at normal na buhay na walang panlilinlang at manipulasyon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe