Sunday, October 6, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesMga Tindera na naapektuhan ng clearing operations sa Calbayog City, bibigyan ng...

Mga Tindera na naapektuhan ng clearing operations sa Calbayog City, bibigyan ng Financial Assistance

Tiniyak ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa mga vendor na naapektuhan ng clearing operations nitong Martes, Agosto 30, 2022 sa Calbayog City na makatatanggap ang mga ito ng financial assistance at bibigyan pa ng mga stall sa Calbayog Public Market.

Ito ay tiniyak ng alkalde sa isinagawang konsultasyon sa mga vendor sa gilid ng Gaisano Mall at East West Bank sa Orquin Street at Magsaysay Boulevard, at sa on-site inspection sa Calbayog Public Market sa Brgy. Bagacay.

Ang mga vendor na matatagpuan sa pagitan ng Orquin Street at Magsaysay Boulevard malapit sa East West Bank ay pinaalis sa kanilang mga puwesto dahil nakasasagabal sila sa trapiko at tambak na ang mga basura na nagdudulot ng hindi magandang amoy sa lugar.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe