Calatrava, Negros Occidental- Kinondena ng Philippine Army ang teroristang NPA sa walang awang pagpaslang nito sa isang Barangay Kapitan kamakailan lamang sa Barangay Lalong, Calatrava, Negros Occidental.
Sa pahayag ni Captain Kim Apitong, Spokesperson ng 3rd Indfantry Division, Philippine Army, nanawagan ito sa Physician for Human Rights (PHR) upang imbestigahan ang teroristang CPP-NPA, na siyang salarin sa nasabing krimen.
Ayon kay Apitong, wala pa ring ibinigay na pahayag ang ibat ibang mga peace advocates kaugnay sa pagpatay ngunit nagsagawa na ng mga hakbang ang Philippine Army, Philippine National Police, mga Barangay Tanod at iba pang Law Enforcement Agencies upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa nasabing lokalidad.
Pinaniwalaan din ng mga awtoridad na maaaring nagawa ng mga bandidong grupo ang krimen dahil sa kawalan ng suporta nito mula sa komunidad.
Tiniyak naman ng mga awtoridad na mas paiigtingin pa ang pagsasagawa ng ibat ibang operasyon laban sa mga NPA at ang pagmonitor upang madakip ang mga salarin sa naturang krimen.
Samantala nanawagan naman si Apitong sa lahat ng Kapitan sa ibat ibang barangay kabilang na ang mga residente nito na agad magbigay ng impormasyon sa mga awtoridad sakaling may mga aktibidad o presensya ng mga rebeldeng indibidwal sa kani-kanilang mga lugar.