Saturday, November 23, 2024

HomeRebel NewsPunongbarangay patay matapos pagbabarilin ng mga NPA sa Calatrava, Negros Occidental

Punongbarangay patay matapos pagbabarilin ng mga NPA sa Calatrava, Negros Occidental

Calatrava, Negros Occidental- Patay matapos pagbabarilin ng mga hinihinalang miyembro ng NPA ang isang Barangay Captain dakong alas 5:30 ng umaga nitong Agosto 26, 2022 sa Barangay Lalong, Calatrava, Negros Occidental.

Kinilala ang biktima na si Benjamin Antipuesto Javoc, 54 anyos at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, iihi sana ang biktima nang may kumatok na mga armadong grupo. Nabigla na lang ang pamilya ng biktima nang may nagpaputok at tinamaan ang kanang bahagi ng mukha nito.

Sinubukan pang tumalon ng biktima upang umiwas ngunit sinundan pa rin ito ng mga salarin at pinaputukan pa sa dibdib na siyang naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Dagdag pa ng mga awtoridad na hinanap ng mga armadong grupo ang mga ID ng biktima sa pagka-intel nito ng shabu, hinanap din ang armalite at ang .45 na baril.

Nakuha sa pamilya ng biktima ang mga ID ni kapitan mula sa dalawa nitong pitaka kabilang ang Php20, 000.00 at talong (3) cellphone.

Samantala kinondena naman ng mga residente ang mga komunistang grupo sa pangggugulo nito sa kanilang barangay at sa walang awa nitong pagpaslang sa kanilang punongbarangay.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe