Cadiz City, Negros Occidental- Pinangunahan ni Negros Occidental Governor Eugenio Lacson ang turn-over ceremony ng Coffee Depulper project para sa mga miyembro ng Cotcot Upland Farmers & Farmworkers Association (CUFFA), na ginanap sa Sitio Cotcot, Brgy. Mabini, Cadiz City nitong ika-25 ng Agosto 2022.
Masigasig namang tinanggap si Governor Lacson ni Cadiz City Mayor Salvador Escalante, Jr kasama si Brgy. Capt. Rosevil Villarin ng Bgry. Mabini at iba pang mga lokal na opisyal, kabilang na rin ang iilan sa mga DepEd personnel.
Ang naturang proyekto ay ay ipinatupad sa ilalim ng Provincial Environment Management Office sa pamumuno ni Atty. Julie Ann Bedrio, bilang bahagi sa Support to Upland and Coastal Ecosystems Management Program ng probinsya.
Ang dalawang yunit ng Coffe Depulper ay nagkakahalaga sa Php60,000 na gagamitin ng nasabing asosasyon.
Samantala nanumpa naman ang mga bagong opisyalis ng CUFFA sa pangunguna ni Mary Jean Tanaya, President, na pinangunahan mismo ni Gov. Lacson, sa isang maikling program ana ginanap sa Cotcot Elementary School.
Pinaalalahanan naman ni Governor Lacson ang mga benepisyaryo na ingatan ang mga nabanggit na proyekto pati na ang mga likas na yaman. Pinayuhan din niya ang mga magsasaka na mas pag-igihin pa ng mabuti ang pagtatrabaho upang maka-ani ng de-kalidad na kape bilang kanilang pinagkakabuhayan.