Sunday, October 6, 2024

HomeNewsTop 4 Most Wanted Person sa Cebu City, timbog

Top 4 Most Wanted Person sa Cebu City, timbog

Arestado ang tinaguriang Top 4 Most Wanted Person (Provincial Level) sa Cebu City sa operasyon na ikinasa ng mga operatiba ng Cebu City Police Office noong Agosto 24, 2022 sa Camp Marina, Lahug, Cebu City.

Kinilala ang suspek na si Christian Oyales, 27, residente ng nabanggit na lugar.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Soliver Calumba Peras, Presiding Judge ng RTC7, Branch 10 noong Agosto 16, 2022 sa paglabag sa Sec. 11 Art. II ng RA 9165 sa ilalim ng Criminal Case No.: R-CEB-17-00805CR.

Ang matagumpay na pagkakaaresto sa akusado ay bunga ng pinaigting na pagpapatupad ng mga kawani ng Cebu CPO sa Major ISO/Law Enforcement Operation ng PNP.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe