Friday, November 22, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesPag-apply sa AICS Educational Assistance sa DSWD, wala nang “WALK-IN”

Pag-apply sa AICS Educational Assistance sa DSWD, wala nang “WALK-IN”

Hindi na tumatanggap ang Department of Social Welfare and Development ng mga “walk-in” applicants pagdating sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga “students-in-crisis”.

“Hindi. Kasi kung papasok tayo, magkakaproblema na naman tayo. Yan ang mahigpit na instruction, this will be the difference,” ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo sa isang press conference nitong Miyerkules, Agosto 23, 2022.

“Aside from online, pwedeng QR code, pwedeng text kung hindi sila gumagamit ng smartphone, sasagutin namin. There is no more reason na sabihin nilang wala kaming cellphone. Tapos ‘yung mga anak nila nag-online naman last year, e di magpaturo po sila sa anak nila o ‘yung anak nila ang magregister. Madali lang po kaming hanapin, pupunta lang po sa website ng DSWD at doon nila makikita ‘yun,” paniniguro ni Tulfo.

“I think this is a blessing in disguise kasi ang gusto ni President Ferdinand Marcos Jr. I-digitize ang gobyerno, digital ang transactions ng ating mga kababayan, digitalization kaya kailangan nating simulan ngayon, dito na magsisimula,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Tulfo na maaaring makatanggap ng text message mula sa DSWD ang mga magpaparehistro para ipaliwanag kung nasaan ang mga payout sites.

Dito sa rehiyon otso, ang proseso ng pag-apply para sa tulong ay ginawa online sa pamamagitan ng appointment.

“We strongly remind you that we will only accept APPOINTMENTS, ito ay para makapagbigay tayo ng mas sistematikong paraan ng pagbibigay serbisyo.” ayon sa FB post ng DSWD Eastern Visayas.

Una rito, sinabi rin ni Tulfo na hindi kasama sa educational assistance program ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe