Thursday, November 7, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesCalendar Of Activities para sa Barangay at SK Election, inilabas na ng...

Calendar Of Activities para sa Barangay at SK Election, inilabas na ng COMELEC

Sa kabila ng mga hakbang ng Kongreso na ipagpaliban ang nakatakdang Barangay and SK Election sa Disyembre, inilabas na ng COMELEC ang kanilang calendar of activities nito lamang 23 ng Agosto 2022.

Kabilang na dito ang pag-iimprenta ng balota sa buwan ng Setyembre at pagpapadala ng mga election paraphernalia sa mga probinsya sa buwan ng Oktubre.

Inanunsyo na rin ng poll body na magsisimula ang pagtanggap ng mga certificates of candidacy (COC) mula sa mga aspirant sa October 6 hanggang 13, alisunod sa Sec. 7 ng Republic Act 6679 at Sec. 29 ng RA 6646.

Magsisimula naman ang campaign period ng November 25 hanggang December 3, 2022, habang magtatagal ang election period ng October 6 hanggang December 12 ngayong taon.

Samantala, nanindigan naman ang COMELEC na hangga’t wala pang batas na nag-uutos na muling i-postpone ang eleksyon ay magpapatuloy pa rin ang kanilang paghahanda hanggang sa buwan ng Disyembre.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe