Saturday, November 23, 2024

HomePoliticsFormer Rebel News33 Former Rebels bumisita sa mga awtoridad sa Tacloban City

33 Former Rebels bumisita sa mga awtoridad sa Tacloban City

Nagsagawa ng “Kamustahan with Former Rebels” ang mga awtoridad na ginanap sa Leyte Police Provincial Headquarters, Kuta Kankabato, San Jose, Tacloban City nitong ika-23 ng Agosto 2022.

Dumalo sa programa ang tatlumput tatlong mga sumuko at nagbalik loob sa ating pamahalaan.

Nagkaroon ng koordinasyon at konsultasyon ang mga Former Rebels katuwang ang 802nd Brigade, 8th Infantry Division; Regional Public Attorney’s Office 8; National Intelligence Coordinating Agency 8; DAR Leyte; TESDA Leyte; Office of the Provincial Agriculturist Leyte; Leyte PPO Provincial Human Rights Office; at Leyte PPO Provincial Legal Office para sa mga karagdagang tulong na pwede nilang matanggap.

Namahagi rin ang mga awtoridad ng mga food packs at nagkaroon ng salo-salo kasama ang mga matataas na opsiyal.

Ang programang ito ay isang malaking hakbang para hikayatin ang iba pa nilang mga kasamahan na sumuko at tuluyan ng umalis sa makakaliwang grupo bagkus magbalik loob na lamang at tanggapin ang mga programa ng ating gobyerno para sa kanila.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe