Arestado ng kapulisan ng Dumanjog Police Station ang tinaguriang Top 6 Most Wanted Person ng Lapu-Lapu City sa kasong 9 counts ng rape sa operasyaon na ikinisa nitong Biyernes sa Barangay Calaboon, Dumanjug, Cebu.
Kinilala ng mga awtoridad ang naaresto na si Jerwin Belocora Labi, 40 taong gulang.
Ayon sa ulat, matapos makatanggap ang mga awtoridad ng impormasiyon sa kinaroroonan ng suspek ay agad na nagsagawa ng mga hakbang ang kapulisan upang madakip ito.
Sa pagtutulungan ng mga miyembro ng Dumnjug PS, Lapu-Lapu CPS, at 703rd RMFB 7 matagumpay na naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Jose Alfonzo Malifer Gomoz, Presiding Judge ng 7th Judicial Region, Branch 5, Lapu-Lapu City, Cebu.
Nahaharap ang suspek sa patong-patong na kaso ng panggagahasa.