Friday, November 15, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesBago City nakakuha ng 102% peace and order rating mula sa DILG

Bago City nakakuha ng 102% peace and order rating mula sa DILG

Nakakuha ng perfect at highest rating ang Lokal na pamahalaan ng Bago City sa Negros Occidental sa katatapos lamang na 2021 Peace and Order Council (POC) Performance Audit ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon sa performance audit na pinirmahan ni DILG Provincial Director Roselyn Quintana, ginawaran ng POC Assessment Team ang lungsod ng Bago ng 102 percent rating bilang pagkilala sa mga programa nito upang patuloy na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Nakakuha ang lungsod ng perfect score sa limang batayan ng audit, ang Organization, Meetings, Policies, Plan and Budget, at Reports and General Supervision.

Nakatanggap din ang lungsod ng karagdagang pontos sa pagkakaroon ng innovation programs kaugnay sa to peace and order at public safety.

“We would like to thank the Department of Interior and Local Government and the Provincial Peace and Order Audit Team for the perfect and high-performance rating given to us,” saad pa ni Bago City Mayor Nicholas Yulo.

“This will continuously serve as our inspiration to sustain our excellent performance in the pursuit of a peaceful, orderly, and safe community to live and do business for the people of Bago,” dagdag pa niya.

Binigyan din ng pagkilala ang lungsod sa best practice nito, ang matagumpay na pagpapatupad ng Barangay Drug Clearing Program sa pamamagitan ng pagbibigay ng incentives at rewards.

Kabilang din sa inilabas ng kagawaran ang 2019 Performance Audit kung saan nakuha din ng lungsod ang pinakamataas na functional rating na 97 percent sa buong probinsya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe