San Jose de Buenavista, Antique- Sasailalim sa inbred rice production at mechanization training ang mga magsasaka sa bayan ng Sibalom Antique nitong ika-19 ng Agosto 2022.
Nasa 150 pamilya na hinati sa anim na mga batch mula sa bayan ng Sibalom ang nakatakdang sasailalim sa nasabing training para sa magandang produksyon ng palay gamit ang naturang variety.
Papangunahan ang nasabing training ng Uswag Durog Rivergems Farm, isang accredited training center ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA na siyang nanguna sa Training Induction Program (TIP) sa unang batch nitong Biyernes.
Ayon kay Rhea Dacallo, Farm President, mayroong anim na batch ng mga magsasaka na binubuo sa 25 na mga miyembro kada batch ang sasailalim sa programa.
Ang benepisyaryong mga magsasaka ay mula sa mga Barangay ng Catungan 3, Insarayan, Pis-anan, Tula-tula, Calooy, Bulalacao, Valentin Grasparil, Lambayagan at Luyang. Sasailalim sila sa training sa loob ng 17 araw na pangunahan ng nasa 35 na mga trainers.
Tuturuan silang mag operate ng walk-behind transplanter at ng four-wheeled tractor.Habang nakatakda din silang i-orient ng National Food Authority kaugnay sa kanilang serbisyo at mga kagamitan na pwede nilang magamit. Nakatakda rin silang sasailalim sa entrepreneurship training.
Habang nasa training, sila ay makakatanggap ng weekly allowance na Php160.00 kada isa, one time load na Php500.00 at karagdagan pang Php500.00 para naman sa kanilang Personal Protective Equipment (PPE).