Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin mismo sa kanyang bahay sa Calbayog City noong Agusto 11, 2022.
Kinilala ang biktima na si Paquito Debuton, nasa wastong taong gulang at residente ng nasabing lugar.
Ayon sa mga saksi, nangyari ang naturang krimen nang pasukin ng mga suspek ang biktima sa kanyang tahanan sa Brgy. Malopalo sa Tinambacan District.
Napag-alaman na tumakas ang mga suspek lulan ang isang NMAX na motor na una nang nag-abang sa kalsada malapit sa pinangyarihan ng nasabing krimen.
Sa ngayon ay wala pang malinaw na ulat ukol sa motibo sa naturang pamamaslang habang patuloy namang iniimbestigahan ng Calbayog PNP ang posibleng salarin na nasabing krimen.