Tinatayang nasa mahigit Php700,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang high value target na naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency 7 Special Enforcement Team (PDEA 7, SET) sa buy-bust operation na ikinasa noong ika-10 ng Agosto 2022 sa Barangay Bulacao, Cebu City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Rey Steven T. Buenavista, 29 at Jonel D. Añasco, 44 taong gulang.
Nakumpiska mula sa mga naturang suspek ang limang (5) pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 105 gramo at may estimate market value na Php714,000, isang (1) black pouch, isang (1) black smart phone, at buy-bust money.
Sina Buenavista at Añasco ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26b, Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.